Home » Post Item » HINANAKIT ng sang ordinaryong office worker na ayaw nang magbayad ng tax…ever!
Vote Wisely

HINANAKIT ng sang ordinaryong office worker na ayaw nang magbayad ng tax…ever!

August 23, 2007

Alam mo, marami tayo sa bangka. Ang ibig kong sabihin, pare-pareho ang nadarama nating frustration sa bansang Pilipinas na kahit na anong pagtulak at pag-iwan dito ay nananatiling kaisa-isang bansang pinanggalingan natin. Gusto kitang batiin dahil kahit na hindi ka ka-eloquent katulad ng mga politician, naipadala mo ang mensahe na malinaw para sa lahat.

Kaisa mo ako sa frustration naito : Tuwing mamasyal ka sa Pilipinas para magpahinga sa kakakayod, lalo lamang stress ang mahahagap mo.

Paglabas pa lang ng airport ay stress na ang sumasalubong sa iyo dahil sa dami ng taong basta na lang bubuhatin ang ang mga bagahe mo at hihingan ka ng pera.

Mamasyal ka sa mga sinasabing tourist spot, halimbawa sa Pagsanjan Falls>> hindi mo man lang ma-enjoy ang views dahil walang tigil ang mga boat men sa kapapaalala sa iyo ng tip nila, ng pagkain ng anak nila, ng birthday ng kung sino at kailangan nila ng pambili ng alak…. haaay.

I-kumpara mo ang tarif nila sa ibang bansa, pareho lang ang presyo, kadalasan ay mas mahal pa, pero por dyos por santo, walang matinong facility, ni sa simpleng kalikasang pangangailangan na pag-ihi!

Saan nga ba napupunta ang mga perang ito?!?

Sa bansang pinupuntahan natin ay malaki din ang binabayaran natin para sa comfort na ito, an indirect taxation. Pero sa Pilipinas, napupunta saan ang pera.

Nabanggit ko ang paglabas sa airport, mayroon ding tax sa paglabas ng bansa. So far, Pilipinas lang ang alam ko na nangongolekta ng 550 pesos sa lahat ng pasaheros ng eroplano, imagine ang dami ng pasaheros araw-araw! Saan napupunta ito samantalang ang Philippine airport sa kasalukuyan ay good as trash, pinakapangit na international airport na nakita ko!

Para ba sa bagong airport ang kinokolekta??

Gusto kong tanungin sa custom officer; baka may alam sya aside from collecting the 550 pesos from each passenger, pero dios mio, mukhang un-approachable ang itsura.

Sa bandang katamaran,katangahan at pagdami ng mga pinoy : gobyerno din ang may pakana nyan. Walang epektibong programa para sa mga kaalaman; sa TV punong puno ng mga patalastas sa shampoo at magkakandaduling ka sa dami ng text messaging na kung anu anong kabalbalan.

Pero attractive na patalastas para tulungan ang mga kabataan, ang populason tungkol sa Family Planning at mga simpleng kaalaman ay wala (well, wala lang siguro akong nakita, dahil panay contest)

Tutuo na nakapanlulumo na kandahirap ang middle class para magkaroon ng kaayusan, pero hinuhuthot ng mga taong nasa position. Resulta, ang mayayaman lalong yumayabang, at ang mahihirap, lalong nagiging miserable at tanga.

Posted by votewisely at 3:13 pm | permalink

Add a comment